Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P100M shabu na sabat sa Maynila, 2 chinese national timbog

0 118

Arestado ang dalawang Chinese national matapos makumpiska sa kanilang pag-iingat ang mahigit P100 milyong halaga ng umano’y shabu sa Malate, Maynila noong Lunes ng gabi.

Huli sa inilatag na buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District -Station 9 sa CCP Bay Terminal Parking Lot sa Barangay 720 ganap na alas-6:45 ng gabi ang mga suspek na sina Bin Hu at Jiankang Liang, kapwa 42-anyos.

Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, nakumpiska mula sa mga suspek ang magkabukod na 14 kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P95.2 milyon at isang kilo pa na may market value na P6.8 milyon, isang asul na Android OPPO cellular phone at dalawang tig-P1,000 bill na ginamit sa transaksiyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.