Una sa Balita

P100M ransom hirit ng Sayyaf sa 5 Malaysian sailors

By
0 27

ZAMBOANGA CITY — Humihingi ng P100 milyon ransom ang Abu Sayyaf kapalit ng paglaya ng 5 Malaysian crew ng tugboat na dinukot sa Sabah nitong ­Hulyo lamang.

Mismong ang Abu Sayyaf ang tumawag gamit ang cell phone sa pamilya ng kapitan ng tugboat na si Mohd Ridzuan Ismail, 32, upang ipa­batid ang kanilang ransom demand.

Nakilala ang iba pang kasamahan ni Ismail na sina Tayudin Anjut, 45; ­Mohd Zumadil Rahim, 23; Fandy Bakran, 26; at Abd Rahim Summas, 62. Nagpadala pa ng larawan ang Abu Sayyaf na nagpapa­kita sa bihag na si Summas na napapaligiran ng mga armadong Abu Sayyaf.

Nag-iipon na umano ng pera ang mga ­pamilya ng biktima upang mabayaran ang Abu ­Sayyaf at palayain nito ang lahat ng mga bihag.

Wala namang ­pahayag ang militar ukol dito at hindi rin nito alam ang nagaganap sa pagitan ng mga pamilya ng biktima at Abu Sayyaf.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy