Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P100M lotto jackpot nasolo ng taga-Quezon

0 63

Nasolo ng nag-iisang mananaya mula sa lalawigan ng Quezon ang mahigit sa P100 milyon jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola noong Martes ng gabi.

Ayon sa PCSO, nakuha ng masuwerteng mananaya ang anim na winning number na 20-22-09-54-06-19 na may kabuuang premyong P100,064,568.

Nabili ang ang winning ticket sa isang lotto outlet sa bayan ng General Luna sa Quezon.

Samantala, 29 mananaya ang mag-uuwi ng tig-P120,000 matapos makuha ang lima sa anim na nanalong numero.

Ito ang ikatlong mananaya na naging mil­yonaryo sa pagtaya sa lotto ngayong Mayo. Noong Mayo 3, nakopo ng taga-San Quintin, Pangasinan ang mahigit P51 milyon premyo sa regular Lotto 6/42 habang mahigit sa P71 milyon naman ang naibulsa ng taga-Pasay City nang mapanalunan ang Superlotto 6/49 draw noong Mayo 10. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.