Una sa Balita

P100M halaga ng bangus napeste sa Pangasinan fishkill

By
0 794

Iniimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang naganap na fishkill sa dalawang barangay sa Pangasinan kung saan P100M halaga mg bangus ang apektado.

Sa inisyal na report na nakarating sa BFAR ay bumaba ang oxygen level na siyang sanhi ng fishkill subalit inaalam din ang iba pang factor gaya ng mainit na panahon.

Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng Pangasinan unang nakita ang mga nakalutang na patay na isda sa mga fish farms sa Anda at sumunod ay sa Bolinao.

Ilang residente na ang magrereklamo sa masangsang na amoy kaya naman nakipag-ugnayan na ang MAO sa barangay at lokal na pamahalaan na magtulungan upang agad na maidispose ang mga namatay na isda.

Sinabi ni MAO Officer ng Anda Pangasinan na si Joanne Ponsoy na patuloy ang kanilang monitoring upang masigurong hindi mabebenta sa palengke ang mga namatay na isda at maayos ang pagtatapon nito upang masiguro ang kaligtasan sa kalusugan ng mga residente.

Pinayuhan naman ng MAO ang mga bangus growers na i-harvest na ang mga maliliit na ba­ngus upang makarekober sa kanilang pagkalugi habang inatasan din na huwag magstock ng bangus sa kanilang fishpens at fish cages habang hindi pa na­tutukoy ang pinagmulan ng fishfill.