Una sa Balita

P100M college basketball team scandal: Korapsiyon sa agawan ng mga batang basketbolista

By
0 981

SA ilang kinunan ng komento ng Abante sa garapalang pamimirata ng mga Metro Manila university at college sa mga basketball player buhat sa mga lalawigan, tanging si Francisco Luis ‘Louie’ Alas ang nagpaunlak sa panayam, tumugon sa ilang maselang katanungan.

Sa espesyal na ulat ng pahayagang ito sa nakaraang lingo, binunyag ng dalawang magkahiwalay na impormante ang pag-abot sa P100 milyong pondo ng ilang MM schools, gaya ng Ateneo de Manila University-QC at San Beda College-Mla.
Parehong bina-back-up-an ang ADMU Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines at ang SBC Red Lions sa National Collegiate Athletic Association ni businessman/sports patron Manuel V. Pangilinan.

Tinuran ng dalawang source, na sa ginagawa ng malalaking unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan, lumalabas na nako-corrupt ang mga high school at maging ang mga maagang nag-aaral sa kolehiyo sa murang edad pa lamang kapag pinirata kapalit ang pera para sa kanilang mga magulang at kung ano pang ilang bagay tulad ng bahay at lupa, kotse, motorsiklo, condo unit o kabuhayan package.

“Mahirap i-identify kung magkano budget nila. But I believe nakukuha nila halos lahat ng magagaling na players, kasama nila (Ateneo at Beda) ang (De) La Salle (University-Mla.) at NU (National University),” reaksyon ni Alas, 55-anyos, at isang Phi­lippine Basketball Association journeyman coach, hinawakan nitong 2017 hanggang kasalukuyan ang Phoenix Petroleum Fuel Masters at ang Mobiline/Talk ‘N Text noong 2000-01.

Sinang-ayunan din niya ang desisyon ng mga magulang ng mag-utol na sina 6-foot-3 small forwards Sean Dave at 6-2 Shaun Danielle Ildefonso, sa pag-transfer ng college sa NU Bulldogs tapos maka-graduate ng high school sa Ateneo upang doon ipagpatuloy ang mga collegiate playing career.

“Ang tanong, sino ba ang pumili ng school (NU), parents o kids ba? Since minor pa mga dalawang Ildefonso, natural ang parents ang nag-decide,” litanya ni Alas, nakapag-coach na rin sa Philippine Patriots sa ASEAN Basketball League, Manila Metro Stars sa gumuhong Metropolitan basketball Association at Letran College sa NCAA. “Parents knows best.”

Pero giniit din niyang hindi korapsyon ang pagtawid-bakod ng dalawang dating Loyola Height-based hoopsters patu­ngong kampo ng Sampaloc. “Hindi corruption ‘yun. Life is a choice dun nila gusto.”

Inamin ng tubong Unisan, Quezon Province at sertipikadong champion coach – nakakopo ng mga itutlo sa Southeast Asian Games, SEA Basketball Association, ABL, MBA, NCAA – na matagal na talaga ang kalakaran sa piratahan.

Pero hindi na tinugon ni Alas ang ilang mas maintriga’t kontroberyal na tanong ng Abante.

 

(Unang bahagiP100M college basketball team scandal: Bata palang kino-corrupt na! )