Una sa Balita

P100M college basketball team scandal: Bata palang kino-corrupt na!

Unang bahagi

By
0 1,459

MALALA at umaabot sa multi-milyong halaga ang maaring matawag na korapsyon sa Philippine college basketball sa mahabang panahon.

Nasa dalawang eskuwelahan ngayon na parehong mga suportado ni sports patron/businessman Manuel V. Pangilinan ang nangunguna sa mga pamimirata ng mga basketball player.

Ayon sa dalawang magkahiwalay na impormante ng Abante kahapon, humigit-kumulang sa P100 milyon sa ilang taon na ang tinatapon kada taon para sa hoops program ng Ateneo de Manila University sa Quezon City at San Beda College sa Manila ni Pangilinan.

Kaya hindi kata-taka ang Ateneo Blue Eagles ang 3rd winningest team sa combined championship ng University Athletic Association of the Phi­lippines na may 30-19 sa boys junior, dalawa sa womens at 20 sa mens senior.

Sa huling dekada ng 8-team league, 71st-80th UAAP o noong 2008-09 hanggang 2017-18 sa mens division, naka-anim na trono ang Loyola Heights-based quintet, tampok dito ang limang championship streak noong 2008-09 hanggang 2012-13.
Ang San Beda Red Lions naman sa 10 eskuwela­hang kasali sa National Collegiate Athletic Association ang may pinakaraming kampeonato sa 43-22 sa boys jrs. at 21 sa mens srs.

Sa huling 12 taon ng liga noong 82nd-93rd (2006-07 hanggang 2017-18), sinikwat ng mga basketbolista Mendiola ang walong titulo, kabilang ang huling dalawang season at tapos ang mas unang walong dikit.

“Malaki ang P100 milyon na budget ng dala­wang team sa kada taong sinasalihan nilang dalawang liga. Malaking bahagi ng milyones sa scou­ting ng players at teams kapag may mga palaro sa labas ng Metro Manila — Philippine National Games, PRISAA National Games, National CHED Games, SCUAA Games, University Games, Pala­rong Pambansa, Batang Pinoy, Little Olympics, etc.,” litanya ng Abante source.

Hinirit niyang kahit masyado nang commercial ang maraming bagay sa panahon ngayon, pati sa sports, hindi naman sa lahat ng pagkakataon nagtatagumpay ang mga Atenista at Bedista sa pamimirata.

Hinalimbawa nito ang pagpain nang malaking halaga sa dalawang anak ni dating ex-pro MVP at ngayo’y National University assistant coach Danilo Ildefonso.

“Hindi kumagat sina Shaun at Dave Ildefonso na matapos ang high school sa Ateneo’y tumawid-bakod sa kolehiyo sa NU Bulldogs para samahan at pasai­lalim sa kanilang ama. Hindi pera ang umiral diyan Filipino values,” patuloy ng impormante. (Itutuloy)