Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P100K pabuya vs killer ng Antipolo employee

0 88

Naglaan ng P100K pabuya ang Antipolo City Government sa sinumang makakapagbigay impormasyon sa pumatay sa isang kawani ng Office of Public Safety and Security (OPSS).

Dead-on-the-spot si Roman D. Capulong, 39-anyos matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki alas-7:00 ng umaga noong Oktubre 4, 2020 sa Phase 48, Bagong Nayon II, Barangay Dela Paz.

Ayon sa pulisya, nagmamaneho ang biktima nang bigla na lang umanong sumulpot ang isang lalaking nakamotor, naka-helmet at itim na jacket at binaril si Capulong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinaabot ni City Mayor Andrea Ynares ang pakikiramay sa mga naulila ni Capulong at nagpahayag ang punong lungsod na gagawin ang lahat upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng nasabing kawani.

Naka-assign si Capulong bilang team leader ng City Ordinance Enforcement Division (COOED) – OPSS, Anti-illegal Vending Section.

Masusi ngayong iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.