Una sa Balita

P100B ‘ninanakaw’ sa BOC kada taon

By
0 4

Nanghihinayang ang isang mambabatas sa daan bilyong pisong ninanakaw sa kaban ng bayan ng mga tiwaling opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay House deputy speaker Miro Quimbo ng Marikina City, sa loob ng isang taon, humigit-kumulang P100 billion ang ibinubulsa ng mga tiwali sa BOC dahil sa talamak na korapsyon.

Dahil aniya malaking pera ang nawawala sa kaban ng bayan, naoobliga ang gobyerno na gipitin ang mamamayan para mabawi ang mga ninanakaw na pera sa BOC

Abante Hiring – IT dep

“Ito po ang usapin ng bawat ordinaryong mamamayan dahil yung nawawala sa bureau of custom ay ibinabawi ng pamahalaan sa pamamagitan ng mas mataas na presyo ng langis at bilihin,” paliwanag ni Quimbo.

Ang nasabing halaga ayon sa mambabatas ay mula lamang sa ‘suhol’ kung kukwentahin ang P27,000 na padulas sa kada container.

Umaabot ng 10,000 container ang labas-pasok sa BOC araw-araw kaya hindi malayong pumapalo ng hanggang P100 bilyon ang naiipon sa korapsyon sa loob ng isang taon.

“Alam nyo po ang P100 Billion… ‘yan po ang amount na nireraise sa tax on fuel. Ibig sabihin po pag ginagawa lang po natin ang ating trabaho d’yan hindi na po natin kailangang magtaas ng buwis sa langis na laging tinatamaan ang mga mahihirap,” wika ni Quimbo.