Una sa Balita

P1,000 dagdag pensyon sa SSS, makukuha na bukas

By
0 8

Updated: as of 2:45 pm

Makukuha na simula bukas, Marso 3 ang P1,000 dagdag-pensyon ng mga Social Security System (SSS) pensioners.

Sa datos ng SSS, aabot sa 2 milyong pensyonado ang makakatanggap ng adjustment sa kanilang pensyon simula bukas.

Abante Hiring – IT dep

Bahagi ito ng P2 bilyong idineposito ng SSS para sa unang wave ng pension hike ng mga retiradong SSS members.

Paliwanag ng SSS, retroactive ang ibibigay na pension adjustment sa mga pensioners kung saan ang hindi nakuhang P1,000 pension adjustment  noong buwan ng Enero ay hahatiin sa tatlong wave na naka-iskedyul sa petsang March 3, March 10 at March 17.

Sa mga pensioners na hindi makatatanggap ng dagdag sa pensyon sa mga nabanggit na petsa, hinimok ang mga ito na magtungo sa pinakamalapit na SSS branch upang maayos ang sistema ng matatanggap na pension adjustment.