Una sa Balita

P100 dagdag na sahod, niluluto

By
0 133

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng P100 across-the-board increase sa sahod ng mga manggagawa sa bansa.

Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod ang nasabing dagdag sahod ay bahagi ng tulong ng pamahalaan para sa mga ordinaryong manggagawang Filipino.

“This is my personal suggestion, para magkaroon ng agarang relief ang mga manggagawa natin, kailangang magkaroon ng wage increase across-the-board, P125 sana.

Pending na ‘yan na hinihingi ng manggagawa sa Kongreso. Hindi man P125, kahit P100,” sabi ni Maglunsod.

Ngunit, aminado ito na dadaan ito sa masu­sing pag-aaral at depende na rin ito kung papayag si Pangulong Rodrigo R. Duterte at ikokonsulta rin ito sa mga employers at sa mga mambabatas.

“Pero it takes time ‘yan. Kailangan pag-aralan munang mabuti. Ang habol natin is economic relief, e. Imumungkahi natin ‘yan kay President, pero syempre in consultation with management, employers,” aniya pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy