Una sa Balita

P10.2B kinita sa unang buwan ng TRAIN Law – Palasyo

By
0 2,237

UMAKYAT ng limang beses ang kita ng gobyerno sa unang buwan ngayong taon dahil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang ipinagmalaki ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang makapagtala ng umano ng P10.2 billion budget surplus ang gobyerno, na limang beses ang itinaas kumpara sa naitala noong nakalipas na taon.

Ayon kay Roque, bahagi ng malaking koleksiyon ay mula sa Bureau of Internal Revenue na masigasig sa pagpapatupad ng TRAIN Law.

“In January 2018, strong revenue growth propelled the National Government to achieve a P10.2 billion budget surplus, which is almost five times higher than the recorded surplus a year ago. All major collecting agencies of the government posted positive year-on-year growth, leading to higher total revenues,” pahayag ni Roque.

Tiniyak nito na mapupunta sa tamang serbis­yo ang bilyon-bilyong pisong kinita ng gobyerno at hindi hahayaang makurakot ito ng mga tiwali sa pamahalaan.