Una sa Balita

P1.8B sobrang singil ng Grab isoli sa mga pasahero

By
0 1,686

UMAABOT sa P1.8 bilyon diumano’y sobrang sini­ngil sa mga pasahero ng Transport Network Company (TNC) na Grab ang pinare-refund ng isang kongresista.

Sa panayam kahapon, inihayag ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles na batay sa isinagawa niyang pagsasaliksik, iligal ang paniningil ng Grab ng P2 kada minute sa travel time sa kabila ng deklarasyon ng kompanya na wala silang ipinapatong na per minute charge sa kanilang mga pasahero.

Bukod pa aniya ito sa flag down rate na P40 at sinisingil na P10 hanggang P14 kada kilometro.

Sa loob ng nakalipas na limang buwan pa lamang, ayon sa kongresista ay umaabot sa P1.8 bilyon na ang overcharging ng Grab sa mga parokyano nito.

“The LTFRB (Land Transportation and Regulatory Board) should impose a refund. Otherwise, they are liable to graft,” giit ni Nograles.

“Grab charges P2 per minute illegally. They’re not allowed to charge P2 per minute. The LTFRB has not allowed them to charge P2 per minute but they have charged P2 per minute to everyone,” sabi ni Nograles.

“I have calculated that in the past 5 months, they owe P1.8 billion to the ri­ding public,” ani Nograles.

Ipinunto ni Nograles na bukod sa hindi ina­prubahan ng LTFRB ang P2 kada minuto na dagdag singil, may ‘acts of deception’ din ang Grab sa ipinalalabas na online collaterals na hindi kagaya ng regular na serbisyo ng taksi ay hindi sila nagpapataw ng ‘extra charges’ sa haba ng oras ng biyahe.

Ipinakita rin ni Nograles ang resibo nito sa Grab na breakdown ng pamasahe kabilang ang additional charge na P55 para sa 27.5 minutong travel time.

Maliban sa refund, iginiit ni Nograles na puwedeng habulin at papanagutin ang Grab sa Republic Act No. 10667 Philippine Competition Act dahil ang pagsasanib nito at ng Uber Philippines ay maituturing na ‘virtual monopoly’.

“For one, Grab should abide by the Philippine Competitive Commission’s decision which requires Uber to continue its operation. Contrary to PCC’s position, Grab has taken over the operation of Uber, including the ope­ration of its ride-hailing mobile application. Ano ang ibig, sabihin niyan? Monopoly,” ayon pa kay Nograles.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy