Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P1.7M shabu nasabat, 5 timbog

0 13

AABOT sa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Pampanga.

Sa report, nagsagawa ng operasyon ang anti-narcotics sa Angeles City, Lunes ng hapon.

Pumalo sa 250 gramo ang nakuha sa mga suspek sa Jaoville Compound, Barangay Pandan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lima ang naaresto ng mga pulis na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at tinutukoy kung konektado ang mga ito sa malaking sindikatong kumikilos sa Angeles. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.