Una sa Balita

P1.5M kada nakalayang heinous crime convict

0 303

MULA P50,000 hanggang P1.5 milyon ang halaga ng paglaya ng mga preso sa New Bilibid Prison (NBP)

Ito ang sinabi kahapon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kasunod nang inisyal na natuklasan ng Senado sa kanilang imbestigasyon hinggil sa diumano’y Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale sa Bureau of Corrections (BuCor).

“GCTA FOR SALE: So far, we have discovered and will pursue to validate (gather evidence as well) a price range of P50K to P1.5M per prisoner,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter post kahapon.

“At least 8 are known to have paid up to P100K each. It is also well organized. Let’s see where it leads us,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ilang convicted drug lord ang nakapagbayad ng hanggang P1.5 milyon para sa kanilang paglaya.

Batay ito sa testimonya ni Yolanda Camelon na tumestigo sa Senado noong Huwebes nang gabi kaugnay ng korapsyon sa BuCor.

Sabi ni Camelon, nagbayad siya ng P50,000 sa mga opisyal ng BuCor para sa paglaya ng kanyang asawa na nakakulong sa NBP sa Muntinlupa City.

Kinilala nito ang mga opisyal ng BuCor na tumanggap diumano ng pera na sina Major Mabel Bansil at Staff Sgt. Ramoncito Roque. Itinanggi naman ng dalawa ang alegasyon ni Camelon. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy