Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

P1.5B tulong sa pinalubog ni Ulysses aprub na

0 210

Nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Managament (DBM) para ipalabas ang P1.5 bilyong pondo bilang augmentation funds sa local government units na matinding nasalanta ng bagyong Ulysses.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, inireport ni Budget Secretary Wendel Avisado ang pangangailangan ng pondo ng LGUs na nabiktima ng bagyong Ulysses dahil sa lawak ng pinsalang iniwan sa mga mamamayan at sa lokal na pamahalaan.

“Ang kailangan ko lang po sa inyo, approval ng release ng P1.5 billion augmentation of local calamity funds to LGUs affected by typhoon Ulysses po,” ani Avisado sa Pangulo.

Tinugon naman ito ng Presidente at iniutos ang pag-release ng pondo agad.

“If the papers have been prepared, you can release. I will sign it now,” anang Pangulo.

Nauna nang nakapagpalabas ang DBM ng P1.5 billion para sa mga lugar na nabiktima ng bagyong Quinta at Rolly sa mga lalawigan ng Catanduanes,Bicol , CALABARZON AT MIMAROPA.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.