Una sa Balita

P1.5B cash aid ipapamudmod ng DOLE ngayong linggo

0 411

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipamahagi ang P5,000 tulong pinansyal sa mga kwalipikadong benepisyaryo ngayong linggo sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Sa ulat ni Labor Secretary Silvestre Bello III nakapagbigay na ang kagawaran ng halos P441 milyon halaga ng tulong pinansyal sa mga empleyado sa buong bansa na hindi nakakapasok sa trabaho dahil sa ipinatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon at iba pang lugar ng bansa.

May P1.5 bilyon pang pondo ang DOLE na ipapamahagi ngayong linggo sa mga kuwalipikadong beneficiaries.

Ayon kay Bello, ang DOLE ay nagpapatupad ng maraming mga programa upang matulungan ang mga manggagawa na ang kabuhayan ay nanganib dahil sa COVID-19.

Kasabay nito, ang mga driver ng tricycle na naapektuhan ng pagsuspinde ng mass transport sa Luzon dahil sa ECQ ay maaaring makinabang sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers (TUPAD). (Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More