Una sa Balita

P1.50 taas-presyo sa gasolina

By
0 34

Isa pang big time oil price hike (OPH) ang ipatutupad ng mga oil companies sa susunod na linggo.

Sa inisyal na pahayag ng mga kumpanya ng langis, posibleng pu­malo sa P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang itataas ng mga produktong petrolyo.

P1.50 kada litro ang dag­­­dag presyo sa gasoli­na, habang P1.40 naman ang dagdag sa diesel.

Wala pang pinal na anunsyo ang mga oil companies kung sa Martes, December 13 ipatutupad ang oil price hike at wala ring abiso kung magkakaroon ng price adjustment sa kerosene at cooking gas.

Ang OPH ay bunsod umano ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market kaya’t posibleng masundan pa ang dagdag-presyo bago sumapit ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy