Una sa Balita

P1.35M taya sa Pearl Cup Derby

0 375

MAPUPUNO ang San Juan Coliseum dahil sa 180 sultadang nakalinya sa ‘LDI Pearl Cup 5-Cock Derby’ grand finals ngayon, Miyerkoles, Pebrero 19.

Puntirya ng 83 kalahok, may 2-0 (panalo-talo), ang kampeonato sa 3-cock finals ngayong alas-10:00 nang umaga.

Hahabol naman ang ilang entries na magsasalang ng straight five cocks.

Humatak ng entries ang pasabong na ito ng Lakpue Drug Inc. (LD1) dahil sa mababang entry fee na P3,300 ngunit garantisado ang P1.35 milyon at brand new Mitsubishi Mirage G4 AT.

Ang hatian ng premyo: Champion, P600,000; any 4 points,P200,000; two points sa elims, P300,000; handler, P100,000 at gaffer, P50,000.

May bonus sa finals: Fastest win, brand new Mitsubishi Mirage G4 AT; second, P45,000 at P5,000 LDI products; third, P25,000 at P5,000 LDI products at fourth, P15,000 at P5,000 LDI products.

Sa detalye: 0926-4081643 (Doc Marion Abella) at 0905-2016057 (Michelle Nieva). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More