Una sa Balita

P1.35M halaga ng iPhones nasabat sa NAIA

By
0 5

Nasabat ng Bureau of Customs (BoC) ang tinatayang nasa P1.35 milyong halaga ng iPhone 7 Plus units sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula sa isang Chinese national.

Naharang ng mga tauhan ng NAIA Customs personnel ang Chinese national na si Su Miaoquiao na dumating sa NAIA sakay ng Xiamen Airlines Flight MF 819.

Nabuking ang dala-dalang 30 units ng iPhones ni Su matapos itong dumaan sa x-ray examination ng NAIA.

“The importation of smartphones is considered legal if the importer declared it as taxable items and can present the proper National Telecommunications Commission (NTC) import permit to the customs authorities,” ayon kay Maj. Jaybee Raul Cometa, hepe ng X-Ray Inspection Project (XIP) Unit.

Lumabag ang dayuhan sa isinasaad sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at ng NTC regulation.

Noong nakaraang buwan, nasabat din ng BOC sa NAIA ang 61 piraso ng iPhone 7 Plus at chargers na nagkakahalaga ng P2.7 milyon mula sa isa ring Chinese national passenger na si Wen Congkai.