Una sa Balita

P1.2M shabu nasabat sa Binangonan

0 322

UMAABOT sa P1.2 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Binangonan, Rizal.

Sa nakalap na report mula kay Rizal Police Provincial Director Police Col. Renato Alba, nakilala ang suspek na si Mark Louie Garcia.

Inaresto si Garcia sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Binangonan Police alas-4:45 Huwebes ng hapon sa Brgy. Mahabang Parang, Binangonan, Rizal.

Nakumpiska mula sa suspek ang 18 piraso ng plastic sachet na nagla­laman ng shabu na nasa 180 gramo at umaabot sa P1,224,000.00 ang street value, isang Oppo mobile phone, P3,500 marked money, P5,000 drug money at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Binangonan Munici­pal Police Station custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More