Una sa Balita

P.5M perlas naharang sa NAIA

By
0 2

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang 8.42 kilo ng perlas na nagkakahalaga ng P500,000.00 na tinangkang ilusot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kamakailan.

Ayon kay Customs Commissioner Nick ­Faeldon, nakuha ang nasabing ilegal na kargamento nang dumaan sa x-ray machines ang kargamento na dala ng pasaherong si Ansari B. Hassan nang dumating ito sakay ng Cebu ­Pacific Airlines Flight 5J119 mula sa Hong Kong noong Marso 28.

Agad na sumailalim sa physical ­examination ang nasabing bagahe kung saan nakumpirma na naglalaman ito ng 48” strand pearls na naka­tago sa isang puting plastic bag.

Immediate-Hiring-Ads

Sinabi ni Maj. Jaybee Raul Cometa, X-Ray Inspection Project director, hindi napatuna­yan ng suspek na may kakayahan itong bayaran ang import duties sa nasabing kargamento kaya kinumpiska ito.

Nasa kustodiya ng BOC ang nasabing kargamento habang isinasailalim sa eksaminasyon at ebalwasyon.