Una sa Balita

P.30-P.65 oil price hike ipinatupad

0 220

MAKALIPAS ang tatlong linggong sunod-sunod na bawas presyo sa mga produktong petrolyo, ngayong araw (Disyembre 3) ay nagpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng la­ngis sa bansa.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix at PTT Philippines ang dagdag presyo na P0.30 kada litro ng gasolina, P0.50 kada litro sa kerosene at P0.65 sa diesel na epek­tibo ngayong alas-sais nang umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ng taas presyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na malakihang dagdag pres­yo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang hu­ling nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo noong Nobyembre 26 na nasa P0.20 kada litro sa gasoline at P0.10 kada litro naman sa diesel at kerosene. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy