Una sa Balita

P.2M nakumpiska sa binatilyo

By
0 3

Tinatayang nasa P200,000 libong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa isang 15-anyos na batang lalaki sa Calamba, Laguna kamakalawa ng hapon.

Dakong alas-tres ng hapon nang  isagawa ang buy-bust operation laban kay ‘Faisal’ alyas Bata sa terminal  ng isang mall sa Brgy. Real, Calamba City at nakuha dito ang dalawang medium plastic sachet na naglalaman ng shabu at tumitimbang ng nasa 100 gramo.

Na-recover din dito ang anim na piraso ng 500 peso bill.

Nasa kustodiya ngayon ng Calamba Police ang suspek samantalang dinala na sa PNP Regional Crime Laboratory Office 4A (RCLO 4A), Camp Vicente Lim, Calamba City ang mga nakuhang ebidensya para sa drug at laboratory tests.

Inihahanda naman ang kaukulang kasong isasampa laban sa binatilyo.