Una sa Balita

Oyo Sotto pumalag sa ‘fake news’ post ni Ai Ai

0 903

Sumisigaw ng ‘FAKE NEWS’ si Oyo Sotto kaugnay sa kumalat na statement niya na binabatikos ang mga naninira sa imahen ng Pilipinas, na humantong pa sa binitiwang salitang ikinahihiya niya ang ilan sa mga kapwa niya Pinoy.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Oyo Boy ng kumalat na art card ng photo niya, kalakip ang kanyang statement, at mariin niyang itinanggi na siya mismo ang nagsulat o nagsabi nito.

“GUSTO KO LANG PONG LINAWIN NA HINDI SA AKIN GALING ANG MGA SALITANG NASA PICTURE. MATAGAL NA PO ITO, MAY NAGKALAT NA NAMAN. DOON PO SA GUMAWA NITO, PAKI-DELETE AT WAG PO SANANG GAMITIN ANG KUNG SINO MAN NA HINDI NAMAN TALAGA NAGSABI NIYAN. MAG-INGAT PO TAYO SA FAKE NEWS. SALAMAT PO. #MaramingNamamataySaAkala.”

Walang mga comment mula sa netizen ang lumabas sa post, at disabled nga ito, para hindi siya mapasukan ng mga kung ano-anong reaksyon mula sa kung sino-sino.

Si Ai Ai nga ang nag-post ng statement na ‘yon na galing daw kay Oyo, at habang sinusulat ang item na ito ay hindi pa deleted ang post na ito sa kanyang IG.

So, sino ang dapat sisihin? (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More