Una sa Balita

OWWA may tulong pinansyal sa mga nilikas na OFW

0 316

NAKATAKDANG pagkalooban ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tulong pangkabuhayan at tulong pinansyal ang mga pinauwi at kuwalipikadong overseas Filipino worker (OFW) mula sa Gitnang Silangan.

Noong Enero15, 2020, 13 na mga OFW ang pinauwi ng pamahalaan ng Pilipinas na sinalubong ng ilang opisyal ng OWWA sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 mula sa Iraq via Doha, Qatar.

Ang mga pinauwing OFW ay sinamahan ni Qatar Labor Attaché David Des Dicang.

Nasa kabuuang 1,640 OFW, dokumentado at hindi dokumentado, ang kasalukuyang nasa Iraq. Mula sa nabanggit na mga bilang, 847 ang nasa Baghdad, 655 sa Erbil, at 148 sa Sulaymaniyah, ayon kay Dicang.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bukod sa tulong pangkabuhayan, ang mga naiwan na mga OFW ay inaasahang makakatanggap ng tulong na P20,000 cash para sa mga aktibong miyembro ng OWWA, at P10,000 para sa mga ‘di aktibong miyembro.

Bukod sa pagkakaloob ng tulong sa paliparan at transportas­yon, pagdating ng mga repa­triates, kasabay ng pagbibigay ng impormasyon sa mga programa at serbisyo ng OWWA.

Upang matiyak ang maayos na proseso ng pagpapauwi, ang gobyerno ay tumulong sa mga OFW sa pagkuha ng mga exit visa mula sa kanilang mga employer at iba pang kinakaila­ngang dokumento habang sila ay nasa Gitnang Silangan.

Ang panukala ng gobyerno na pauwiin ang mga manggagawang Pilipino sa Gitnang Silangan ay may kaugnayan sa ipinatupad na mandatory repatriation sa mga bansa na apektado ng US-Iran conflict. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More