Una sa Balita

Mga Kwentong OFWs: OWWA at Landbank kapit-kamay para sa OFWs

By
0 18

Nananawagan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga overseas Filipino ­workers (OFWs) na tangkilikin ang kanilang online payment transaction gamit ang ePayment Portal (ePP).

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac dapat na samantalahin ng mga OFWs ang nasabing serbisyong ipinagkakaloob ng ahensya para sa mga ito.

Kamakailan ay lu­magda sa isang memo­randum of agreement sina OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac at Land Bank of the Philippines (LBP) presi­dent at CEO Alex V. Buenaventura kung saan nakasaad na maaaring gamitin ng mga Balik-Mangga­gawa OFW ang ePP ng Landbank, isang internet-based payment system, para sa mas maginhawa at nakakasi­gurong pagbabayad ng kanilang kontribusyon.

Sa pamamagitan ng ePP, maaaring magsagawa ng transaksyon o magbayad ng kanilang OWWA membership contributions ang mga Balik-Manggagawa OFW gamit ang internet sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pagbabayad na iniaalok ng Landbank at tingnan ang kanilang online financial fund para maka­iwas sa anumang pandaraya.

Ang Landbank ePP ay ang unang e-payment portal na inilaan ng OWWA sa kanilang mga kliyente bilang bahagi ng kanilang layunin na mabigyan ng mabilis at maayos na pagbaba­yad ng kanilang OWWA membership gamit ang makabagong pasilidad at serbisyo.

Sinaksihan nina Labor Secretary Silvestre H. Bello III at LBP senior vice president Liduvino S. Geron ang ginanap na paglalagda sa DOLE Building, Intramuros, Maynila.