Una sa Balita

OWWA, Facebook tuturuang magnegosyo online ang mga OFW

By
0 923

Nagsanib ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang social media giant na Facebook upang matulu­ngan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na maturuan kung paano magtayo ng mga negosyo at manatiling ligtas online.

Ang OWWA at Facebook Philippines ay opisyal na nagsosyo sa idinaos na Migrant Wor­ker’s Day.

Umaasa ang OWWA na magagamit ang Facebook bilang isang plataporma sa edukasyon at kabuhayan para sa mga OFW na gustong bu­malik sa Pilipinas upang simulan ang kanilang sariling mga negosyo.

Layunin ng programa na pagbutihin ang digital literacy ng mga OFW bago sila uma­lis ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maunawaan ang pangunahing kaligtasan sa online, makilala ang mga pandaraya at pekeng balita, at mapagbuti ang kanilang pang-unawa sa online.

“When we used to teach digital literacy, it was just about how to use a computer,” paha­yag ni Facebook APAC Director of Community Affairs Clair Deevy.

“Now, digital literacy­ is about how do you understand all this information coming at you and what are the norms you used to have around family and what was respectful to the other­ people, and how do you translate this to the online world,” dagdag pa nito.

Makikilahok din ang mga OFW sa mga ­marketing workshop para maturuan silang gamitin ang plataporma ng social media upang mapalago ang kanilang maliliit na negosyo.

Ang mga nagbibigay-kaalaman na mga video at mga module ay ­gagawing ­available sa Facebook upang ­payagan ang mga bagong naibalik o ­aktibong migranteng manggagawa na maka-access sa mga tip sa negosyo.

“It’s valuable to us in terms of making our OFWs and families better equipped to combat bullying, to identify fake news, and make their own value judgement or otherwise in terms of empathizing or working on any kind of information they receive through Facebook,” paliwanag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

***