Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

OWWA binusalan mga OFW sa quarantine

0 36

Nagpatupad ng mahigpit na panuntunan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang naka-quarantine.

Base sa advisory ng ahensya na may petsang Mayo 5, 2020 at nilagdaan ni OWWA Director IV Cristina O. Quismondo, binawalan ang mga OFW na magpa-interview sa media o mag-post sa social media tulad ng Facebook at Twitter, ng kanilang mga saloobin kung ayaw makumpiska ang kanilang cellphone o iba pang gadget.

“OFWs are reminded that media interview and posting in Social Media is not allowed. Electronic gadgets and cellphones of those who violate will be confiscated and will be returned after the quarantine period,” sabi ng OWWA advisory.

Pinagbabawalan din ang mga naka-quarantine na makipag-usap sa kapwa nila OFW sa hotel o quarantine facility pati na sa mga hotel staff. Bawal din silang gamitin ang pool, gym, spa at gaming area sa lugar.

Sabi ng OWWA, may mga nakaposisyon itong CCTV sa mga strategic area ng quarantine facility na magbabantay sa kanilang mga galaw at minomonitor sila ng ahensya kahit na malayo ito sa pamamagitan ng laptop, tablet, at cellphone.

Bawal din umorder ng pagkain online o magpa-deliver ang mga OFW. At kahit pa walang liquor ban sa kanilang kinalalagyan, bawal pa rin silang uminom ng alak o beer at manigarilyo o mag-vape.

Sabi pa ng OWWA, sa hotel man sila nakatira, mga OFW ang maglilinis ng kanilang mga kwarto dahil walang housekeeping sa hotel kung saan sila naka-quarantine at kanya-kanya rin silang laba at plantsa ng kanilang mga damit. (Eileen Mencias)

Tags

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.