Una sa Balita

OWWA aayuda: OFW na naipit sa Taiwan travel ban may 10K

0 361

ANG mga manggagawang Taiwan-bound na naipit sa travel ban ng Pilipinas dahil sa novel coronavirus outbreak ay maaaring makatanggap ng pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ngayong linggo, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na ang kanyang tanggapan at Department of Labor and Employment (DOLE) ay naghahanda ng P10,000 na ipamamahagi sa bawat isa sa mga naipit na mga manggagawa.

Kapag maisaayos na agad ang proseso, malamang na sa loob ng linggong ito ay matatanggap ang naturang ayudang pinansiyal.

Ang mga manggagawang Pinoy na naipit sa ganitong katulad na travel ban sa China at sa special administrative regions sa Macau at Hong Kong ay una nang nakatanggap ng P10,000 sa gobyerno, sabi ni Cacdac.

Makikipag-usap ang mga awtoridad sa mga employer ng mga stranded na Pilipino na takot mawalan ng trabaho dahil sa travel restriction, dagdag pa ng opisyal.

Pinaniniwalaan na lumitaw noong nakaraang taon sa isang merkado na nagbebenta ng mga ligaw na hayop sa central Chinese City ng Wuhan, ang bagong coronavirus na kumitil na ng buhay na 1,110 at nahawahan na ang mahigit 44,200 sa China hanggang ngayon.

Kinumpirma ng Pilipinas ang 3 mga kaso ng 2019 no­vel coronavirus, kabilang ang isang namatay, lahat mula sa Wuhan. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More