Una sa Balita

Overpriced SEAG uniform tinanggi ni Osias, Phisgoc

0 488

ITINANGGI ni Atty. Jarie Osias, legal director at tagapagsalita ng Philippine Southeast Asian Games Games Organizing Committee (Phisgoc), na sobrang mahal at overpriced ang set ng uniporme na gagamitin ng mga atleta at mga opisyal sa 30th SEA Games na magbubukas na sa Nobyembre 30 at magtatapos Disyembre 11.

“Yung ibang presyo ng uniporme, hindi tuluyang nai-procure. Kasi ho meron hong mga uniporme na-procure, publicly procued ng DBM Procurement Service. Eto ho ‘yung business uniform for delegates at saka po iyung casual uniform for the athletes,” kwento ni Atty. Osias sa panayam ng DZMM kahapon.

“Sabi naman ng DBM Procurement Services, competitive naman iyung pricing, bukas sa public bidding iyun nangyari.”

Base sa mga lumabas na report, nagkakahalaga ng P5,150 ang polo shirt ng mga atleta, ang backpack ay P3,190, running shoes ay P3,950 habang ang cap ay P2,400.

Kinlaro ito ni Atty. Osias at sinabing hindi ito ang tamang presyo.

“Sigurado ho ako hindi ho ganyan ang presyo. Gaya ho nung body bag, ang nakita ko hong quote ng go­vernment procurement at ‘yung approved price ng contract ay around P300 lang po. ‘Yung sombrero mura rin ho. So hindi ho mahal kagaya nung naibalita. In fact awarded na ho iyung kontrata na iyun at hinihintay na lang ho ‘yung mga delivery ng gamit sa November 19,” paliwanag ni Osias.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More