Una sa Balita

Overloaded na eroplano, bumagsak sa South Sudan; 19 todas

0 344

Umabot sa 19 katao ang nasawi matapos na bumagsak ang maliit na eroplano sa lawa ng South Sudan, nitong Linggo.

Sakay ng eroplano ang 23 katao nang ito’y bumagsak sa central town ng Yirol, ayon kay regional information minister for the Eastern Lakes state Taban Abel Aguek.

Sa apat na survivor, dalawa dito ay mga bata at isang Italian citizen.

Kabilang naman sa namatay ay ang Anglican Bishop ng Yirol na si Simon Adut.

Nasawi rin sa plane crash ang piloto at co-pilot, gayundin ang staff member ng International Committee of the Red Cross.

Nabatid na papalapag na sana ang maliit na eroplano na siksikan sa pasahero pero dahil sa fog, sa lawa ito napadpad.