Una sa Balita

Overall SEA Games kaya ng bansa — Ramirez

0 312

LALONG nagiging kapana-panabik habang papalapit ang hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na November 30-December 11.

Atat na rin ang mga Pinoy na duplikahin ang tagumpay na nakamit noong 2005 kung saan ang ‘Pinas din ang naging punong abala.

Nagpaalala ang Philippine Sports Commission na nahaharap sa dalawang malaking­ challenges sa SEA Games si Juan dela Cruz, una ay ang mapaganda ang pagdaraos ng event, pangalawa ay kailangang maganda­ ang ipapakitang performance ng Pinoy athletes na sasabak sa labanan.

Ayon kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez, handa na ang PSC at ibibigay nila ang lahat ng suporta sa ikatatagumpay ng mga atleta.

Naglagak ang sports agency ng P600M nga­yong taon para sa suporta nito sa 11-nation,­ 12-day biennial sportsfest, nakapaloob dito ang trainings, competitions at expenses sa national sports associations at karagdagang P600M para sa training supplies at equipment.

“There will be a substantial amount of money­ which will be spent for our national team as well as for the hosting,” hayag ni Ramirez, “Our final ranking is less within our control since the preparation of our opponents from other countries as well as their own sports landscape ultimately affect what we will see on the medal tally.”

Naniniwala si Ramirez na kaya ng Pilipinas na makuha ang overall champion­ship dahil alam niyang ibibigay ng mga atleta­ ang kanilang best para manalo.

(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy