Una sa Balita

Overall crown target ni Ramirez

0 224

NAIS duplikahin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Team Philippines Chef de Mission (CDM) William Ramirez ang natatanging overall championship taong 2005 sa kada-dalawang taong Southeast Asian Games.

Muli ay pilit na ipapakita ni Ramirez ang posibilidad na magawa nito ang ‘Miracle of SEAG 2005’ sa natitirang 106 araw bago isagawa ng bansa ang pagho-host sa ika-30th edisiyon ng SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Para sa akin, hindi imposible na mag-champion tayo kasi host tayo, at saka malaki itong budget na inasikaso natin,” sabi ni Ramirez Miyerkoles sa ginanap na Tripartite Agreement signing sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine SEA Games Organizational Committee Inc. (Phisgoc) sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Nakataya ang P6 bilyong budget sa SEA Games hosting, sinabi ni Ramirez na walang rason kung hindi nito nanaisin na makamit ang overall championship.

“Hindi totoo ‘yan na pupunta ng Southeast Asian Games na okay lang ang 3rd or 4th. Eh bakit pa tayo gagastos ng P6 billion kung hindi tayo magcha-champion?” sabi nito. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy