Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Outdoor dining sa McDo, puwedeng puwede na!

0 182
Puwedeng i-enjoy ng customer ang sariwang hangin habang kinakain ang paborito nila sa McDo dahil
puwede na ang outdoor dining sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan, Laguna at iba pang parte ng bansa

May mga outdoor dining at Bike & Dine options na ang McDonald’s kaya maaari nang ma-enjoy ng mga customer ang kanilang McDo favorites habang nasa labas ng restaurant.

Simula noong nakaraang taon, nagsimulang mag-invest ang McDonald’s sa kanilang mga boutdoor dining spaces. Naglagay sila ng mga mesa’t upuan sa labas ng mga restaurant nila para mas maraming customer pa ang mag-enjoy kumain sa lugar na may sariwang hangin. Dagdag pa ito sa mga inimprobisang outdoor dining facilities na kasama na sa orihinal na disenyo ng restaurant nila.

Sa ilalim ng programang M Safe, mahigpit na health and safety protocols ang ipinapatupad upang masiguradong safe ang mga customer sa loob at labas ng establisimyento. May contact-tracing at temperature checks para sa lahat ng bumibisita sa mga restaurants. Requirement din ang face mask at shield. Ipinapatupad din ang physical distancing at hand sanitation habang pumipila, umoorder at nagda-dine-in sa loob man o sa labas. Mayroon narin ang McDo ng cashless payment options para i-minimize ang physical contact.

SM food to go Banner Ad

Bike & Dine

Puwedeng tumambay ang bikers sa Bike & Dine area para magpalamig at magmiryenda.

Isa pang bagong outdoor dining options ng McDonald’s ay ang Bike & Dine. Binibigyan nito ang mga nagbibisikleta ng tambayan pagkatapos mag “Ride Thru” (o pagkatapos umorder sa Drive Thru lane). Sa Bike & Dine, madaling maipaparada ng mga siklista ang kanilang mga bike sa rack na nagsisilbi rin na mesa. Sa ganitong paraan, mas madaling ma-eenjoy ng mga nagba-bike ang paborito nilang McDo meals na walang pag-aalala na masira o mawala ang bike nila.
Naka-install na ang unang mga Bike & Dine sa Vermosa at McKinley West, at susunod pa sa mas marami pang McDonald’s branches.

Para makita kung aling McDonald’s stores ang may outdoor dining options, bumisita sa McDonald’s website: https://mcdonald’s.com.ph/store-locator. Pindutin ang “Outdoor” option. Makikita rin sa website ang mga bagong update sa pang-araw-araw na operasyon ng mga store, at kung may Take-Out, Drive-Thru o McDelivery ang mga branches malapit sa inyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.