Una sa Balita

Out-of-school youth

By
0 275

Tuwing Disyembre, ginugunita ng buong bansa ang pagkamartir ni Dr. Jose Rizal. Paalala sa kabataang Filipino na gaya ni Rizal, sila ang pag-asa ng bayan.

Pero kung halos apat na milyong kabataan ang out-of-school o hindi nag-aaral, paano natin sila magiging kalasag sa pagbabago o kaunlaran?

Ayon sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey o APIS, 10% ng kabuuang 39 milyong kabataang Filipino, may 6-24 taong gulang, ang out-of-school. Pangunahing dahilan nito ang maagang pag-aasawa, problema sa pamilya, kahirapan at kawalan ng interes na mag-aral.

Isipin n’yo po, kung mananatiling mangmang o hindi makakatapos ng pag-aaral ang mga batang ito, mahihirapan din silang makapaghanap-buhay o makakuha ng trabaho.

Isinusulong natin sa Committee on Youth ng Senado, kasama si Senator Gatchalian, ang panukalang batas na magbibigay solus­yon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang hindi nag-aaral at magbibigay sa kanila ng mga oportunidad.

Related Posts

Inspirasyon natin si Sheena Marie Eusena na taga-Sevilla, Bohol. Napilitan siyang mag-drop-out dahil sa teenage pregnancy. Nang dinala ng TESDA sa kanilang barangay ang libreng tech-voc, na-engganyong mag-enrol si Sheena. Nakatapos siya ng Baking and Pastry NC II at Commercial Cooking NC II. Ngayon, may sarili na siyang bakery at catering services.

Kung ilalapit natin sa mga OSY ang edukasyon at training, ma-eengganyo silang magbalik-eskwela at muling mangarap.

Sa tulong ng Senate Bill No. 1000 o ang Magna Carta of Out-of-School Youth, (OSY) mapapalawak pa natin ang libreng tech-voc training ng TESDA para sa mga kabataang hindi nag-aaral, gayundin ang mga alternative learning system (ALS) ng DepEd at maging ang mga kursong inaalok ng CHED. Makakatulong po ito para makapasok sila sa trabaho o mapagkalooban ng livelihood support mula po naman sa DOLE.

Sa Magna Carta of Out-of-School Youth, maibabalik natin ang sigla sa mga kabataang hindi nag-aaral. Sa pagbibigay sa kanila ng kaalaman at kasanayan, tunay silang magiging pag-asa ng ating bayan.

***

Job Fair Sche­dule
Tuguegarao City Job Fair
SM Center Tugue­garao Downtown
Luna St., Tuguegarao, Cagayan
December 19