Una sa Balita

Oust plot ng mga economic manager kay Gloria dinedma

0 457

WALANG panahon si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na pumatol sa mga tsika at intriga.

Napaulat na nagtatangka diumano ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin si Arroyo bilang Speaker.

Ayon kay SGMA, tsismis lang ang ito.

Kaya naman hindi dapat aniya pinag-aaksayahan ng oras.

“You know reports, reports, reports those are all rumors. So why spend so much time and emotion on them,” tugon ni SGMA sa isang ambush interview kasabay ng isinagawang pag-iinspeksyon sa Brgy. Inararo, Porac, Pampanga kahapon.

Magugunita na tampok sa iba’t ibang mga ulat ang ba­ngayan ng mga lider ng Kamara at ilang mga alagad ni Duterte dahil sa usapin na may kinalaman sa pambansang budget. (Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy