Una sa Balita

Oust Digong matrix ‘di imbento — Palasyo

0 281

Hindi pinansin ng Malacañang ang depensa ng ilang journalist na gawa-gawa lamang ang matrix na nag-uugnay sa kanila sa Oust Duterte plot.

Sinabi ni Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) na hintayin na lamang kung ano ang susunod na hakbang matapos pangalanan sa matrix ang mga mamamahayag na umano’y kabilang sa mga nagpaplano para ibagsak amg Duterte administration.

Ayon kay Andanar, nasa Department of Justice (DOJ) na kung iimbestiga­han ang inilabas na impormasyon.

“Tingnan natin kung ano iyong susunod na hakbang, kung ito ba’y iimbestigahan ng DOJ, ng kanilang forensic, ng cyber crime laboratory para talagang ano,” ani Andanar.

Hindi aniya dapat ipagtaka kung bakit mabilis na natukoy ang nagpakilalang “Bikoy” sa narco video dahil may pamamaraan ang Nationa­l Bureau of Investigation (NBI) para masundan ang mga ganitong digital footprint.

Maging ang National Intelligence Coordina­ting Agency (NICA) ani Andanar ay may kakayahang tukuyin ang mga ganitong uri ng paninira laban sa administrasyon.

“Sa mga panahon na ito ay napaka-high tech na ang mga software. Puwede ng sundan ito, lalo na sa internet, kung ano ‘yung mga pupuntahan, kung saan pupunta, iyong mga na-download, mga na-upload. Mayroon ng forensic digital investigation system,” dagdag pa ni Andanar.

Kabilang sa dinawit sa Oust Duterte plot ay si Ellen Tordesillas ng Vera Files at mga news organizations na Rappler, PCIJ at isang grupo ng mga abogado. Itinanggi na nila ang akusasyon. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy