Una sa Balita

Otso Diretso senatorial slate lumapag sa Caloocan City

0 407

CALOOCAN City ang unang pinuntirya ng Otso ­Diretso senatorial candidates sa unang araw ng kampanya kahapon, Pebrero 12, 2019.

Tinarget ng Otso Diretso ang Caloocan City upang ipabatid sa mga mamamayan ng lungsod ang kanilang mga programa sa unang araw ng 90 days campaign period sa May 13, 2019 election.

Bago sinimulan ang house-to-house campaign ay nagsagawa muna ng press conference sa Cafe Poblacion sa A. Mabini Street, 10th Avenue, Caloocan City.

Wala si Vice President Leni Robredo sa Caloocan City dahil may aktibidad itong dinaluhan sa Naga City, gayundin si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary at senatorial bet Mar Roxas na may mahalagang activity sa Roxas, Capiz.

Kasama sa mga nagtungo sa lungsod sa unang araw ng kampanya ay sina Senator Bam Aquino, Samira Gutoc, Chel Diokno, Pilo Halibay, Atty. Romy Macalintal, Gary Alejano at Erin Tañada.

Kasabay nito ay tiniyak ng Otso Diretso na tatangkilikin ng mamamayan ng Caloocan ang kanilang mga plataporma.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy