Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ospital sa Maynila nagliyab

0 110

Agad na inilikas ang dalawang pasyente na may COVID-19 kasama ang walong iba pa matapos na magliyab ang isang bahagi ng Hospital of the Infant Jesus Medical Center sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula sa ground floor ng ospital na matatagpuan sa kanto ng Laong Laan St. at Lacson Avenue ganap na alas-4:44 ng madaling-araw. Idineklara itong fire out ganap na alas-7:36 ng umaga.

Samantala’y wala namang nasaktan sa mga pasyente na galing sa general ward dahil mabilis silang nailikas sa katapat na fast food restaurant habang ipinasok agad sa isang ambulansiya ang dalawang pasyente ng COVID-19.

Inaalam pa ng Manila Bureu of Fire Protection (BFP) ang dahilan ng sunog gayundin ang halaga ng napinsalang ari-arian. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.