Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

OSG-Calida huwag sawsaw sa Marcos protest – SC

0 170

Nakatikim ng sermon mula sa Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa pagsawsaw sa election protest na inihain ng talunang vice presidential candidate Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Base sa inilabas na resolusyon ng mga mahistrado, binasura rin ang hirit na mag-inhibit si Associate Justice Marvic Leonen sa electoral protest ni Marcos at iginiit na hindi puwedeng basta na lamang ipagpilitan ng tanggapan ni Solicitor General Jose Calida ang mandato nito bilang “people’s tribune” umano para bigyang katuwiran ang pagsawsaw sa kaso.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa SC, ang OSG ay “law office” ng gobyerno at pangunahing pinaglilingkuran nito ang sambayanang Pilipino.

Sinabi pa ng SC na mga pribadong indibidwal ang nasasangkot sa electoral protest kaya labas sa usapin ang OSG.

Nabatid na may petsang Nobyembre 17, 2020 ang resolusyon subalit inilabas nitong Huwebes lamang bilang per curiam resolution o walang isang mahistrado na sumulat.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.