Una sa Balita

Ortouste, mga kasama dedepensa sa Thailand

By
0 82

PAGKARAANG sumablay sa kahit anong kulay ng medalya sa kaagahan ng buwang itong 18th Asian Games 2018 sa Palembang, Indonesia, magbabakasakali naman ang Pilipinas na maidepensa ang titulo sa men’s doubles division ng 33rd King’s Cup World Sepak Takraw Championships sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 24 hanggang 30.

Nasa 31 ang kasaling bansa na nagbibigay ng mga trophy at medal sa mga kalahok na tumatapos ng top three maski pa ilan lang ang kasali sa bawat grupo.

Sisipa rin ang mga Flipino takrawer na sina Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Emmanuel Escote, Joshua Gleen Bullo, Alvin Pa­ngan, John Carlo Lee, John John Bobier, John Jeffrey Morcillos, Joear­t Jumawan, Nestleer Bandivas, Christian George Encabo at Regie Reznan Pabriga sa men’s hoop, regu, quadrant at regu team.

Samantalang sa women’s side sina Mary Melody Taming, Abegail Sinogbuhan, Gelyn Evora, Josefina Maat, Jean Marie Sucalit, Jea Mae Pepito, Jocielle Fernandez, Aisa Sabellita, Allyssa Bandoy at Lhaina Lheil Mangubat.

“We wish the Philippine sepak takraw team the best of luck. We’re confident that they are capable of replicating the achievement,” ani Jeremy Go ng Go For Gold na katuwang ng Philippine Sports Commission sa pagtustos sa paglahok ng koponan sa isang linggong torneo.

Sina Rodolfo Eco, Hector Memarion, Metodio Suico, Jr. at Junmar Aleta ang men’s coaches habang sina Romulo Ruedas, Jr., Esperidion Rodriguez, Gena Mark Saavedra at Deseree Autor ang mentors ng women’s squad.

Kasamang nadale ng Philippine men’s squad ang silver medals sa team regu at hoop, at ang bronze sa inter-regu noon ding 2016 sa nabanggit na bansa.

“We know that they will make our country proud like they have done before,” panapos Go, vice president ng Powerball Marketing and Logistics Corporation.