Ormoc 3-beses nayanig

By

Muling nakaranas ng sunud-sunod na pagyanig ang Ormoc City, Leyte kasunod ng naganap na magnitude-6.5 na lindol sa Eastern Visayas.

Naitala kahapon ng Philippine Institute of Volcanolo­gy and Seismology (PHIVOLCS), ang tatlong beses na malakas na aftershocks hanggang alas-10:57 ng umaga.

Dakong alas-3:14 ng madaling-araw at alas-7:30 ng umaga nang maitala ang magnitude-2.8 na lindol na nagdulot ng Intensity 3 sa Ormoc City.

Huling naitala ang aftershock na may magnitude 2.8 bandang alas-10:57 ng umaga na nagdulot din ng Intensity 3 na pagyanig sa naturang lungsod.

Sa kabila ng mga naturang pagyanig, hindi na ina­asahan ng PHIVOLCS na magdudulot ito ng pinsala.

SHARE