Una sa Balita

Orly hari sa San Miguel Media Invitational Golf

By ,
0 275

NAGHARI si Orly Trinidad ng DZBB nang sungkitin ang overall title sa San Miguel Corporation Media Invitational Golf Tournament na ginanap kamakailan sa Wack Wack Golf Course and Club West Course.

Nakakuha ng gross score na 74 si Trinidad habang ang tropeo sa Class A, Class B at Class C ay napunta kay Roger Garcia (70 net) ng Manila Standard Today, Ricky Alegre (72 net) ng DZHR at Marlon Purificacion (80 net) ng People’s Journal.

Nag-second place naman sa Class A si Ely Saludar (71 net) ng RMN habang nasikwat naman ng Anton Cabangon Chua (72 net) ang third place.

Naging Class B runner-up naman si Mike Abe ng DZAR at Ding Marcelo ng Manila Bulletin habang si Edwin Rollon (80 net) ng Balita at Badong Hilario (81 net) ng Manila Bulletin ang nakakuha ng second at third place sa Class C.

Ilang fun holes awards din ang pinamigay sa torneo. Nakapag-uwi ng award si Jun Sepe ng ABS-CBN (nearest to the pin), Conrad Banal (accurate drive) at Jong Arcano (longest drive) ng Philippine Daily Inquirer.

Pinangunahan nina SMC Media Affairs Group Head Mary Jane Llanes at SMC Media Affairs Group Manager Jayson Brizuela ang pagbibigay ng awards.
May lagpas sa 50 reporter mula sa print, broadcast at online ang sumabak sa torneo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy