Una sa Balita

Orlando mamadyikin nina Gordon, Vucevic

0 227

Key Players: Nikola Vucevic, Aaron Gordon, Evan Fournier, Terrence Ross, D.J. Augustin

Roster: Mo Bamba, Khem Birch, Michael Carter-Williams, Melvin Frazier Jr., Jonathan Isaac, Wes Iwundu, Amile Jefferson

Key additions: Chuma Okeke (16th overall pick in 2019 Draft), Jon Davis, Isaac Humphries, DaQuan Jeffries, Vic Law, Al-Farouq Aminu, Markelle Fultz, Hassani Gravett, BJ Johnson, Josh Magette

Rank: 7th

Last Season’s Record: 42-40

Head Coach: Steve Clifford

DODOBLE-KAYOD ngayong season ang Orlando Magic para malampasaan ang kanilang naging performance noong nakaraang season.

Nagtapos ang Magic sa ikapitong sa regular season kung saan nakapasok ang mga ito sa playoffs.

Pero pagdating sa playoffs, nakatapat agad nila sa first round ang eventual champions Toronto Raptors kaya luhod sila sa serye, 1-4.

Magsasanib-pwersa muli sina Nikola Vucevic na nagtala ng 20.8 points per game, 12.0 rebounds at 3.8 assists at si Aaron Gordon na may 16.0 points, 7.4 rebounds at 3.7 assists average para maibalik sa playoffs ang Magic.

Bukod sa dalawa, magpapakitang-gilas rin si Mo Bamba at mga bagong dagdag katulad nina Al-Farouq Aminu at si 2017 Top rookie pick ng Philadelphia 76ers na si Markelle Fultz.

Inaasahan na malaking role ang gagampanan ni Fultz na may average na 8.2 points, 3.7 rebounds, at 3.1 assists per game noong nakaraang season.

At kahit nagtamo ng ACL injury, asahan na malaki rin ang maitutulong ni 16th overall pick rookie Chuma Okeke oras na gumaling ito at maisabak sa laban.

Papasok ngayong season, asinta ng Orlando Magic na makabalik sa playoffs at makuha ang titulo bilang kampeon ng liga. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy