Una sa Balita

Orient Pearl arcade sa Recto naglagablab

0 95

UMABOT sa may walong oras bago tuluyang naapula ang naganap na sunog sa apat na palapag na commercial building sa kanto ng Claro M. Recto Avenue at Nicanor Reyes Street sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Manila Fire Department (MFD), nagsimula ang sunog sa Orient Pearl arcade building dakong alas-9:23 nang gabi noong Miyerkoles at idineklarang fire out kinabukasan ng alas-5:16 nang umaga sa kabila na umabot lamang ito sa ikatlong alarma.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Arson division sa printing press na nasa unang palapag unang sumiklab ang sunog na kumalat hanggang sa ikaapat na palapag.

Ayon kay Manila Fire Marshal Jonas Silvano, dahil sa makapal na usok na lu­malabas sa gusali ay gumamit ng self-contained breathing apparatus at smoke ejector ang mga bumbero.

“Difficulty nito una ang visibility. Another difficulty iyong heat and another one iyong smoke. Hindi basta-basta nakalalabas,” ani Silvano.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa naganap na sunog. (Juliet de Loza-Cudia)