Una sa Balita

Orendain ipapain ng Generika-Ayala

0 270

Mga laro ngayon: (Muntinlupa Sports Center)
4:15pm — PLDT vs. Sta. Lucia
7:00pm — Marinerang Pilipina vs. Generika-Ayala

WALANG dapat ikabahala ang Generika-Ayala Lifesavers matapos ang masaklap na pagkatalo sa huling laro kontra Foton Tornadoes, ayon kay head coach Sherwin Mene­ses.

“It’s not yet time to panic. We still have a long way to go. The conference is just on its second round of eliminations,” saad ni Mene­ses, matapos yumuko ang kanilang koponan sa Tornadoes 16-25, 26-28, 15-25 nitong Sabado.

Nasa pang-apat na puwesto ng team standings ang Generika-Ayala sa second round ng Philippine Superliga All-Filipino Conference.

Kapit ng Lifesavers ang 5-4 karta, haharapin nila ang nagkukumahog na Marinerang Pilipina Skippers sa alas-siyete nang gabi sa Muntinlupa Sports Center.

Muling kakapitan ni Meneses ang kanyang mga bataan na sina Patty Orendain, Fiola Ceballos at skipper Angeli Araneta para makakuha ng panalo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy