OUT OF ORDER: Mabilis na internet speed ang kailangan sa libreng Wi-Fi

By

Aprubado na ng House committee on information and communications technology ang panukalang batas na magbibigay-daan sa lib­reng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar sa buong bansa gaya ng national government offices, public primary at secondary schools, mga gusali sa loob ng state universities and colleges, mga pampublikong aklatan, mga park at plaza, barangay center, pampublikong ospital at rural health units at mga terminal ng mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Tarlac Rep. Victor Yap na ang ‘Free Wi-Fi Act’ ang solusyon sa problema ng interconnectivity sa panahon ng digital age.

Maisasakatuparan ito sa paglalagay ng wireless access points sa mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng broadband hotspots na itatayo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga pribadong Internet Service Providers (ISP).

“The benefits of free public Wi-Fi are many. It can help revive economically ailing areas, facilitate entry of more businesses, help increase tourism or simply make an area more attractive as a destination.

During disaster relief operations, the use of Wi-Fi zones to spread helpful information can become a key part of communication in a post-disaster situations,” paliwanag ni Yap.

Bilang chairman ng House committee on information and communications technology, si Yap ang naglagay ng amyenda sa ‘Free Wi-Fi Act’ na natatadhana ng minimum internet speed na 10 mbps para matiyak na magiging kapaki-pakinabang ito sa maraming mamamayan.

“For instance, in the experience of DepEd, it has the necessary budget to pay for a higher bandwidth. Unfortunately, the Telcos cannot provide faster signal. This should change if there’s a requirement on internet speed,” pahayag ni Yap.

Ang amended version ng Free Wi-Fi Act sa mababang kapulungan ay nagmula sa mga panukalang batas nina Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy (HB 515); Bataan Rep. Geraldine Roman (HB 616); Kabataan Rep. Sarah Jane Elago (HB 660); Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (HB 1954); Parañaque Rep. Gus Tambunting (HB 1957); Benguet Rep. Teddy Brawner Baguilat Jr. (HB 2836) at Pangasinan Rep. Marlyn Primicia-Agabas (HB 3250).

May katulad ding proyekto ang Department of Science and Technology (DOST) at ito ay ang pagkakaroon ng libreng Wi-Fi access sa ilang tinukoy na pampublikong lugar sa darating na buwan ng Hulyo.

Pangungunahan ng DOST-Information and Communications Technology office (DOST-ICT) ‘Free Wi-Fi Access Project’ sa mga sumusunod na lugar: public plazas and parks; public primary and secondary central schools; public libraries; rural health units & government hospitals; state universities & colleges; train stations of the MRT and LRT systems; airports and seaports; city and municipal halls at national government offices.


May nakalaan ng budget ang proyektong ito ng DOST-ICT na nagkakahalaga ng P1.408 billion sa ilalim ng 2015 General Appropriations Act (GAA).

Ang tanong na nga lang dito ay hindi kaya magkakadoble ang bagong aprubang Free Wi-Fi Act sa mababang kapulungan at ang proyekto ng DOST-ICT na napondohan na sa ilalim ng 2015 GAA.

Halos pareho rin kasi ang mga pampublikong lugar na lalagyan ng free Wi-Fi access sa ilalim ng panukalang batas sa mababang kapulungan at ang proyekto ng DOST-ICT na sa buwan ng Hulyo maisasakatuparan.

Ang isa pang tanong ay kung magiging mabilis ang internet speed ng libreng Wi-Fi ng DOST-ICT dahil kung hindi ay hindi rin ito mapapakinabangan ng taumbayan lalo pa’t marami na ang gumagamit ng android phone para sa kanilang Facebook, Instagram, Twitter at mga news feeds.

Mabilis na internet speed ang kailangan para maging matagumpay ang pinaplanong libreng Wi-Fi ng mga mambabatas at ng DOST-ICT. Sana nga.

SHARE