Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Orcollo suwabe opening round

0 8

NAGPASIKLAB sa opening round ng 2021 US Open Pool Championship sina Filipino player Dennis Orcolllo, Johann Chua at iba pa sa torneo na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.

Winalis ni Orcollo sa opening, 9-0, si Miguel Angel Giron Mendieta ng Honduras habang namayagpag si Chua, 9-1, laban kay Steven Way ng Amerika.

Bukod sa dalawa, wagi rin sa opening round sina Roland Garcia, Daniel Dagotdot, Jeffrey De Luna, Carlo Biado, Roberto Gomez at Warren Kiamco.

Nalugmok naman sa torneo si Dan Segui, 1-9, laban kay American Donny Mills para mapunta sa loser’s bracket.

Tumagagingting na $50,000 premyo ang naghihintay para sa magwawagi sa kumpetisyon, $25,000 para sa runner-up at $12,000 para sa third placer. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.