Una sa Balita

Orbos iniwan ang MMDA

By
0 2,469

Nagpaalam na bilang ge­neral manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Tim Orbos.

Sa flag raising kahapon ng umaga ay nagpaalam si Orbos sa harapan ng mga opisyal at mga kawani ng MMDA.
Nabatid na magpo-focus na lamang si Orbos bilang head ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at DOTr undersecretary for the road sector.

Napag-alaman na sa dating administrasyon si Orbos ay naninilbihan bilang MMDA assistant ge­neral manager for planning at nang italaga itong general manager ni Pangulong Rodrigo Duterte at naging officer-in-charge (OIC) ito ng naturang ahensiya.

Nang maging OIC ng MMDA si Orbos, ipinanukala nito sa Metro Manila Council (MMC) ang pagpapatupad ng ‘no window hour, expanded number coding at light trucks ban’.

Kung saan si Orbos ay walong buwan din na­ging OIC ng MMDA bago itinalagang chairman si Danilo Lim.

Sa pagpapaalam nito kahapon ay nagpasa­lamat ito sa mga opisyal at mga kawani ng MMDA na naging malapit sa kanyang puso.

“MMDA will always be a part of who I am and I am thankful for being part of an agency, which, despite being underequipped, remains dedicated to ser­ving Metro Manila. It is truly an honor to have worked and served with the people here at MMDA, from the directors to the laborers, who all take their jobs seriously, with their hearts to it.” ani Orbos.