Una sa Balita

Oras o araw na lang, Taal sasabog uli — Phivolcs

0 561

MATAAS pa rin ang tiyansa na magkaroon ng pagsabog ang Bulkang Taal kaya nananatili nakataas ang Alert Level 4.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may posibilidad pa rin ng pagkakaroon ng hazardous explosive eruption anumang sandali kaya hindi pa rin dapat na maging kampante ang mga residente.

Sa nakalipas na 24 oras ay nagkaroon pa rin ng steam emission at mahihinang pagsabog ang Taal, ang abo na inilabas nito ay may taas na 50 hanggang 600 metro.

Nakapagtala pa rin ng 32 na volcanic earthquake na may lakas na 1.1 hanggang 3.3 magnitude.

Paliwanag ng Phivolvs na ang mga naitatalang seismic activity ay patunay na mayroon pa ring magma intrusion sa ilalim ng bulkan at anumang oras ay maaari itong umakyat pataas.

Dahil patuloy na nakataas ang banta ng Taal ay muling iginiit ni Phivolcs Director Renato Solidum sa mga Local Goverment Unit at mga ahensiyang nangangasiwa sa evacuation na panatilihin ang 14km danger zone.

“Binabantayan natin ang posibleng mga steam explosion. Kapag lumaki na ang pagsabog posibleng mangyari ang base surge,” giit ni Solidum.

“Though Taal Volcano showed signs of calming down,there was still intense activity underground as magma continued to move beneath. Naiiba ang nakikita natin sa taas at naiiba sa ilalim,” dagdag pa nito. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More